Exhibition

previous

Bukid

Raffy T. Napay

September 20 - October 21, 2017

Gallery 1

Pagdalumat sa Eksibisyong “Bukid” ni Raffy Napay
Malawak, pambihira, makapigil-hininga, ang nag-iisang piyeseng bumubuo sa eksibisyong, Bukid ni Raffy Napay, ay pagpupugay sa kapangayarihan ng bukirin na bigyan ng panimula ang buhay, hubugin ang pagkatao nito, at magsilbing angkla sa hinaharap. Sa gitna ng isang bukirin isinilang si Napay, sampu ng kanyang mga kapatid. Naranasan rin niya ang magtanim ng palay tuwing bakasyon. Ngayon, nagbabalik si Napay sa pamamagitan ng sining upang siya naman ang magbigay ng lawas at kahulugan sa parang sa pamamagitan ng mabusising “pagtatanim” ng sinulid sa kapatagan ng kanbas at sa pag-sasalamin ng indayog ng palay sabay sa hangin, pati na rin ang mga kumpol na ulap. Sa kalagitnaan ng parang ay isang puno na idinidiin ang kamalayan sa isang espesipikong lunan. Para kay Napay, sinisimbilo nito ang maraming bagay: pahinga, pamilya, ang puno ng buhay at ng Genesis. Sa paglikha, ipinupunto ni Napay hindi lamang ang proseso ng paglalarawan (bagaman nakamamangha) kundi ang paghahalukay, pagtatanim, at pagbukadkad ng pagkatao na tatanaw at tatanaw din sa kinagisnan: isang pagsisiyat kung saan ba nagsisimula at nagtatatapos ang labas at ang loob, ang mundo ng sarili at ang uniberso.

 

Contemplating Raffy Napay’s “Bukid”
Vast, mysterious, breathtaking, the single piece that constitutes the exhibition, Bukid, by Raffy Napay is a celebration of the power of the field to give life its beginning, to shape it, and to provide an anchor for its destination. It was in the middle of a field that Napay was born, just like his siblings. Every school vacation, he would go to the countryside to plant rice. Now, Napay returns by way of art to provide the expanse and the meaning of the field by meticulously “planting” threads on the plain of the canvas and mirroring the movement of palay stalks as well as the undulating clouds. In the middle of the field is a tree that foregrounds consciousness into a specific point. For Napay, the tree symbolizes many things: rest, family, the tree of life and in Genesis. In creating the work, Napay emphasizes not only the process of representation (albeit awe-inspiring) but also that of cultivating, planting, and blossoming of a self that looks back at its origin: an investigation into where the outside and inside, the world of the soul and universe, begin and end.
– Carlomar Arcangel Daoana